Tuesday, February 14, 2012

Araw ng mga Puso.

NORMAL NA ARAW LANG ITO. Hindi naman sa bitter ako pero hindi talaga ako bilib sa araw na ito. Kung mahal mo kasi talaga ang isang tao hindi lang sa isang araw ka mag-eeffort para ipakita sa kanya na mahal mo siya. I mean, pwede ka naman magbigay sa kanya ng something everyday e. Mas sweet pa nga 'yon kasi kahit walang occasion naaalala mo siya. Di ba? Hindi naman occasional ang magmahal. Palagian dapat. :)) Okay nagsasabi lang naman ako ng saloobin. Pagbigyan. :))

So ayun,  I started the day with my usual routines. Sa classroom namin halos wala lang, majority naman kasi single e. :)) Pero ilan samin nakatanggap ng gifts. Tulad ko, pagbalik ko ng classroom nakapatong na ito sa table ko.


Odiba, kahit papaano may nakaalala sakin. :> In fairness ang sarap niyan! Pero syempre pag-uwi ko na kinain, pinalamig ko muna. Lols :)) Galing yan kay Abby, sweet lang e. Iba na talaga pag bigo. Hahaha joke lang. :)) Nahiya naman ako kasi wala akong pinrepare para sa kanya. So nagpabili ako ng McFlurry sa classmate ko na umalis muna for vaccination. By the time na nakabalik siya, tunaw na 'yung Flurry. Pero okay lang, keri naman. Gumawa na lang ako ng note at saka ibinigay kay Abby. Kilig siya e. :"> HAHAHA!

Tapos nung Physics time kasali ako sa Valentine's service ng isang group sa TLE. Pinasuot kami ng white shirt tapos dinikitan ng letters.

Ayan. 10 kaming may ganyan. Tapos by group of 5 bumaba ng canteen, isang group galing sa left staircase at 'yung isa naman sa right. Tapos humilera kami sa tapat ng table ng couple together with their friends tas sumigaw ng "Patrcicia Tabara mahal na mahal ka ni Patrick Solano!" OMG alis agad kami e, actually hindi naman kasama sa gagawin yung sigaw na 'yon. :)) Nakakahiya. Agaw attention sa canteen. :)) Pero ayun, naiyak naman si girl. Touched at kinilig ata sa mga plans ni boy. :)) Madami pang ginawa e, pero hindi na ko sumama hihihi.

Nung Lunch break naman. May nag-abot ng gift sa akin. WOW. Haha. Ito naman ang nakuha ko.

So yan lang naman ang mga natanggap ko today. Di ko ineexpect HAHAHA. Kbye.


Wednesday, February 8, 2012

Good Day.

I started the day by giving some chocolates to three of my friends. Ewan ko ba kung anong nakain ko at ginawa ko 'yon. Ang sweet nga e, iniwan ko lang sa armchair nila. :>


For Jessica.
For Abby.


For Ella. Fail nga ito actually, sabay kami pumasok ng classroom nila. :)) Tapos pinicture-an na lang. Tapos inabot ko na din yung USB ko. Tapos nagpatulong siya sa Math nila. Hindi ko nga alam topic nila e. Muntanga hinula-hulaan ko gagawin HAHAHA. Tapos nag-bell na.



 Ang sweet ko diba? Hahaha :)) Ang sarap kasi ng chocolate na yan e, gusto kong matikman din nila kaya binigyan ko sila 3pcs each. At para maiba naman ang morning ko hihihi. Andami kong alam sorry naman. :P

OKAY. Nagbell na. Flag ceremony sa may corridor lang. Napansin namin yung CCTV sa tapat ng high school building, nagtaka lang kami kung para saan naman yun. LOL daming alam ng school e. -.- And then after flag ceremony kumuha gamit sa locker. Dahil sa masipag ako, apar na libro lang kinuha ko. HAHAHA.

AP time. Genyo lab ulit. Sarap talaga doon, de-aircon kasi e. Sarap matulog. :)) Kaso nakaupo ako malapit sa CCTV so wala rin. Tapos hindi na naman nakinig sa discussion. Kumanta lang ng Forget About Me (LSS mode) at saka sinearch yung keyboard shortcut sa kung paano i-open ulit ang recently closed tab. Walang kwenta noh? Pero hindi kasi ako interested sa bangko and everything so... Yeah. :)

Janica did my hair. :>


MAPEH time. Pinagdrawing kami  ng comic strip about sa effects ng drugs..
Drawing kong pambata.
Si Ryan yan.
Ito naman si Jons. Imba comic strip nyan.
Ayaw pa-picture ni Je e. :)) Stolen lang. 
 Basta ganun. Comic strip.

Physics time. Chineck yung research homework. Nagalit pa siya kasi daw konti lang niresearch for the project na Wind Turbine. Tapos ayun, group meeting. Kakatamad. Pagka-assign ng mga gagawin iba na rin ang pinag-usapan.



Tapos break time na. Kain kain kain.

Filipino time. Nag-reporting lang. Huling kabanata sa El Fili. Aww. Haha. Hindi na naman nakinig. At hindi rin kumpoya ng notes. Ginawa lang homework sa Math. Pagkaalis ng teacher laro agad ng Temple Run dahil gustong malampasan score ni Ate Nica na 5.8M. First play pa lang nalampasan ko na high score ko na 2.8M, nakakuha ako ng 5.5M! Sayang konti na lang e, naubusan kasi resurrection kaya deads nung 4th time kong malaglag. -.- So baaaad.

Lunch Break. Laro lang ng Temple Run. Tapos si Abby sa armchair ko gumawa ng homework sa Math. Pero busy pa din ako. Hahaha. Hindi na ako ulit umabot sa 5M. :/ Weak.

Math time. Wala si Ms. Cris pero may iniwang activity. Nakaka-enjoy sagutan kasi kailangan pa mag-drawing ng diagram. :D

English time. Nag-seatwork lang about sa active and passive. Imba. Tuwang tuwa na ako sa subject na 'yon. Pati sa teacher natutuwa na din ako, besprens na kami. :)) Nung checking na voluntary lang ang pagsabi ng sagot, e since wala masyadong tumatayo ako na lang ang bumasa at sumagot ng ilang items. :))

TLE time. Discussion. Hindi ulit nakinig dahil kinopya notes nung isang araw. TAPOS MAY QUIZ PALA BUKAS. Hindi ko pa naman kinopya yung lesson kanina. -_-" Keribels yan bukaaas.

Computer time. Wordles! Ang saya e, ako nakakuha nung first two items tapos biglang zero-zero ulit ang scores. :)) Anyway group 6 pa din naman ang nanalo. Yehey! :D Tapos ayun gawa gawa ng chorba sa Dreamweaver. Nakakabobo lang e. Pero keri lang. :D

Homeroom time. Walang ginawa so nanood kami ng practice ng Cotillion. Pinuna yung magkaka-partner. Hindi kasi bagay yung iba. Srsly. -.- Tapos napadpad sa usapang illuminati. Si Earl kasi e. HAHAHA.
Tapos uwian na. Kinulit lang Ella, kinuha USB tas usap saglit. Kinurot kurot pa ako at hinampas. Tas ayun sabay na pumunta sa mga service namin. :)

Pagkauwi nagtanggal lang palda. Tamad magpalit e. :)) Niyaya na ako ni Alaine lumabas. So labas naman kami, binantayan ko siya.  Tapos usap kami ni Kaye tungkol sa kung anu-ano. Tapos 6pm umuwi na ulit..

END.