| For Jessica. |
| For Abby. |
Ang sweet ko diba? Hahaha :)) Ang sarap kasi ng chocolate na yan e, gusto kong matikman din nila kaya binigyan ko sila 3pcs each. At para maiba naman ang morning ko hihihi. Andami kong alam sorry naman. :P
OKAY. Nagbell na. Flag ceremony sa may corridor lang. Napansin namin yung CCTV sa tapat ng high school building, nagtaka lang kami kung para saan naman yun. LOL daming alam ng school e. -.- And then after flag ceremony kumuha gamit sa locker. Dahil sa masipag ako, apar na libro lang kinuha ko. HAHAHA.
AP time. Genyo lab ulit. Sarap talaga doon, de-aircon kasi e. Sarap matulog. :)) Kaso nakaupo ako malapit sa CCTV so wala rin. Tapos hindi na naman nakinig sa discussion. Kumanta lang ng Forget About Me (LSS mode) at saka sinearch yung keyboard shortcut sa kung paano i-open ulit ang recently closed tab. Walang kwenta noh? Pero hindi kasi ako interested sa bangko and everything so... Yeah. :)
Janica did my hair. :>
MAPEH time. Pinagdrawing kami ng comic strip about sa effects ng drugs..
| Drawing kong pambata. |
| Si Ryan yan. |
| Ito naman si Jons. Imba comic strip nyan. |
| Ayaw pa-picture ni Je e. :)) Stolen lang. |
Physics time. Chineck yung research homework. Nagalit pa siya kasi daw konti lang niresearch for the project na Wind Turbine. Tapos ayun, group meeting. Kakatamad. Pagka-assign ng mga gagawin iba na rin ang pinag-usapan.
Tapos break time na. Kain kain kain.
Filipino time. Nag-reporting lang. Huling kabanata sa El Fili. Aww. Haha. Hindi na naman nakinig. At hindi rin kumpoya ng notes. Ginawa lang homework sa Math. Pagkaalis ng teacher laro agad ng Temple Run dahil gustong malampasan score ni Ate Nica na 5.8M. First play pa lang nalampasan ko na high score ko na 2.8M, nakakuha ako ng 5.5M! Sayang konti na lang e, naubusan kasi resurrection kaya deads nung 4th time kong malaglag. -.- So baaaad.
Lunch Break. Laro lang ng Temple Run. Tapos si Abby sa armchair ko gumawa ng homework sa Math. Pero busy pa din ako. Hahaha. Hindi na ako ulit umabot sa 5M. :/ Weak.
Math time. Wala si Ms. Cris pero may iniwang activity. Nakaka-enjoy sagutan kasi kailangan pa mag-drawing ng diagram. :D
English time. Nag-seatwork lang about sa active and passive. Imba. Tuwang tuwa na ako sa subject na 'yon. Pati sa teacher natutuwa na din ako, besprens na kami. :)) Nung checking na voluntary lang ang pagsabi ng sagot, e since wala masyadong tumatayo ako na lang ang bumasa at sumagot ng ilang items. :))
TLE time. Discussion. Hindi ulit nakinig dahil kinopya notes nung isang araw. TAPOS MAY QUIZ PALA BUKAS. Hindi ko pa naman kinopya yung lesson kanina. -_-" Keribels yan bukaaas.
Computer time. Wordles! Ang saya e, ako nakakuha nung first two items tapos biglang zero-zero ulit ang scores. :)) Anyway group 6 pa din naman ang nanalo. Yehey! :D Tapos ayun gawa gawa ng chorba sa Dreamweaver. Nakakabobo lang e. Pero keri lang. :D
Homeroom time. Walang ginawa so nanood kami ng practice ng Cotillion. Pinuna yung magkaka-partner. Hindi kasi bagay yung iba. Srsly. -.- Tapos napadpad sa usapang illuminati. Si Earl kasi e. HAHAHA.
Tapos uwian na. Kinulit lang Ella, kinuha USB tas usap saglit. Kinurot kurot pa ako at hinampas. Tas ayun sabay na pumunta sa mga service namin. :)
Pagkauwi nagtanggal lang palda. Tamad magpalit e. :)) Niyaya na ako ni Alaine lumabas. So labas naman kami, binantayan ko siya. Tapos usap kami ni Kaye tungkol sa kung anu-ano. Tapos 6pm umuwi na ulit..
END.
No comments:
Post a Comment