Tuesday, February 14, 2012

Araw ng mga Puso.

NORMAL NA ARAW LANG ITO. Hindi naman sa bitter ako pero hindi talaga ako bilib sa araw na ito. Kung mahal mo kasi talaga ang isang tao hindi lang sa isang araw ka mag-eeffort para ipakita sa kanya na mahal mo siya. I mean, pwede ka naman magbigay sa kanya ng something everyday e. Mas sweet pa nga 'yon kasi kahit walang occasion naaalala mo siya. Di ba? Hindi naman occasional ang magmahal. Palagian dapat. :)) Okay nagsasabi lang naman ako ng saloobin. Pagbigyan. :))

So ayun,  I started the day with my usual routines. Sa classroom namin halos wala lang, majority naman kasi single e. :)) Pero ilan samin nakatanggap ng gifts. Tulad ko, pagbalik ko ng classroom nakapatong na ito sa table ko.


Odiba, kahit papaano may nakaalala sakin. :> In fairness ang sarap niyan! Pero syempre pag-uwi ko na kinain, pinalamig ko muna. Lols :)) Galing yan kay Abby, sweet lang e. Iba na talaga pag bigo. Hahaha joke lang. :)) Nahiya naman ako kasi wala akong pinrepare para sa kanya. So nagpabili ako ng McFlurry sa classmate ko na umalis muna for vaccination. By the time na nakabalik siya, tunaw na 'yung Flurry. Pero okay lang, keri naman. Gumawa na lang ako ng note at saka ibinigay kay Abby. Kilig siya e. :"> HAHAHA!

Tapos nung Physics time kasali ako sa Valentine's service ng isang group sa TLE. Pinasuot kami ng white shirt tapos dinikitan ng letters.

Ayan. 10 kaming may ganyan. Tapos by group of 5 bumaba ng canteen, isang group galing sa left staircase at 'yung isa naman sa right. Tapos humilera kami sa tapat ng table ng couple together with their friends tas sumigaw ng "Patrcicia Tabara mahal na mahal ka ni Patrick Solano!" OMG alis agad kami e, actually hindi naman kasama sa gagawin yung sigaw na 'yon. :)) Nakakahiya. Agaw attention sa canteen. :)) Pero ayun, naiyak naman si girl. Touched at kinilig ata sa mga plans ni boy. :)) Madami pang ginawa e, pero hindi na ko sumama hihihi.

Nung Lunch break naman. May nag-abot ng gift sa akin. WOW. Haha. Ito naman ang nakuha ko.

So yan lang naman ang mga natanggap ko today. Di ko ineexpect HAHAHA. Kbye.


No comments:

Post a Comment