Wednesday, May 18, 2011

Lintek na Buhay.

Sawa na akong makisama sa mga taong makikitid ang utak. Ang inang yan. Pwede ba, may sarili kaming mga problema kaya wag na kayong pabigat. Tuta. Lagi na lang kayong kailangan alalahanin na baka ganto ganyan ang sabihin/isipin niyo. Hindi ba pwedeng pati kami iniisip niyo? Hindi 'yong puro kaligayahan niyo inaatupag niyo. Paano kayong liligaya,  puro inggit yang nasa puso niyo? Subukan niyo kayang tanggalin yan.


Hindi ikaw 'yong tipong iginagalang kasi karapatdapat, ikaw 'yong tipong iginagalang para walang masabing pangit. Bawat galaw na lang may sarili kang interpretasyon e. Wala ng freedom. Bawat kilos, bawat salita pakiramdam mo lamang na lamang 'yong kabila. Well, sorry. Tama ka. Mas gusto namin sa kabila. Impyerno sa bawat minutong nasa puder mo kami. Minsan nga iniisip ko kung bakit sa pamilya mo pa ako napabilang e, minsan iniisip ko na sana iba na lang pinakasalan ng ina ko nang hindi kami nakakaranas ng gantong buhay. Bwiset. Ramdam ko na 'yong pressure na parating ka na naman, hindi ka na lang muna sana umuwi. Pinalagpas mo muna sana ang May. Fck.

Wednesday, May 11, 2011

3AM Experience

May 8 - umuwi kami dito sa LP galing sa Tagaytay. Sobrang traffic, baha sa ibang lugar dahil sa bagyo. mga 8pm na yata kami nakauwi. Brownout pa pag-uwi namin! 1 hour after tsaka lang nagkaroon ng kuryente. Tumila na rin ang ulan. Tapos, unexpectedly dumating yung ibang mga pinsan ko na kasama namin sa Tagaytay nang 10pm. Super traffic kasi sa Alabang, e sa Makati pa sila kaya dito na muna sa LP papalipas ng gabi. So in short, nagkasama sama ulit kaming magpipinsan. Doon kami sa kabilang bahay magsstay. Nanood kami ng Angus, Thongs and Perfect Snogging. Mag-2am na noong natapos yung palabas. Nag-psp muna ako habang kwentuhan kami ng pinsan ko. Hanggang sa pinatay ko na.


TAPOS AYUN NA. ilang minutes na lang 3AM na. Niloloko namin ni Ron 'yong kapatid at pinsan ko na pagpatak ng 3:00 AM sasapian sila. Tawanan kami nang tawanan hanggang sa nag 3:00 na nga tapos sabi nila na kami na daw 'yong sinapian kasi tawa kami nang tawa. Tas tinulugan na nila kami. Hanggang sa may narinig ako. Nung una hindi ko pinapansin pero nagpaulit-ulit. Tinanong ko si Ron kung naririnig niya, oo daw. Tas maya maya, ibang tunog naman ang narinig namin. Tunog na parang hinihila 'yong mga plastic chairs sa dining table. Unti unti na akong natakot, pinagising ko na si Kuya Mike. Kaso hindi niya kami pinansin Tinulugan lang niya. Tapos paulit ulit pa rin 'yong mga ingay, may ilang beses na biglang lumakas. Mag 4am na yata noong nawala 'yong mga ingay. Tsaka lang ako nakatulog. Kinabukasan pinag-usapan namin 'yon. At sabi ni Kuya Mike na nagtulug-tulugan lang siya para hindi namin siya kausapin. Pero alam niya 'yong nangyari. At may naikwento pa siya na dati raw may kumakatok sa kwarto at pilit binubuksan ang pinto. Hay, ano kayang meron sa bahay nila?

Pag-ibig na Palaisipan.

Naranasan mo na bang magmahal nang sobra at masaktan sa huli? Ako oo. Matagal ko nang naranasan 'yon ngunit parang hanggang ngayon ay dinadala-dala ko pa rin. In fact, this morning I woke up feeling unloved. Pakiramdam ko e, ako lang mag-isa sa mundo. Pero kung iisipin, marami rami na rin ata ang mga pagkakataong dumating upang umibig ulit. Hindi lang ako nag-gigive in. Hindi ko maintindihan kung ako ba'y hindi pa nakaka-move on, natatakot masaktan ulit o sadyang hindi lang ready magmahal ng iba. Nagkaroon ako ng mga crush, pero hindi dumating sa punto na minahal ko na sila. Except for one, medyo napamahal ako sa kanya. Kaso hindi nagtagal nagsawa rin ako sa kanya. May time kasi na naging "sweet" siya sakin, at ako namang si tanga kilig na kilig kahit alam nang playboy yun. Hanggang sa dumating ang punto na nagsawa ako... (Parang bubblegum, enjoy ka sa simula kasi matamis. Pero sa kakanguya mo nawawala 'yong lasa hanggang sa iluluwa mo na. Ganon ako madalas, madaling magsawa.) Di kaya naramdaman ng puso ko na mawawala rin kasweetan niya kaya inunahan na? Hahaha! Whatever the reason may be, masaya ako na kahit saglit ay napasaya niya ako. :)

Bago pala siya maging sweet sakin, meron akong ka-fling. Siya 'yong tinutukoy ko na madami akong "firsts" na nagawa kasama siya. Hahaha. malay ko ba na mahuhulog pala siya. Noong una kasi parang ayaw, pakipot lang pala. Joke! Pero noong una talaga ayaw niya talaga. Hanggang sa dumating 'yong time na nag "I love you" na siya sa akin. All of a sudden, parang ayaw ko na magkaroon ng communication sa kanya. Pero may time na nag I love you too rin naman ako. Kaso hindi galing sa puso. Sira ulo noh? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya bigla ko siya iiwasan, iiwanan sa ere. Kaya hindi ko rin masisisi kung magagalit siya sa akin, kasalanan ko rin naman e. At kasalanan din ni crush! Kung hindi siya naging sweet sakin hindi ako maguguluhan sa nararamdaman ko! Joke ulit. Hehehe.

Anyway, sana matuto na ulit magmahal ng tunay puso kong laging nangangamba. Pagkatapos kasi masugatan naging mapaglaro e. Takot ata masugatan kaya siya na ang nananakit. Hehehe.

Tuesday, May 10, 2011

Forever Young.

Ayun, nasa Tagaytay kami for 2 days and 3nights last week. At nung May 1 pumunta kami ng clubhouse playground para mag-wifi at magbantay sa mga batang kapatid namin. Turned out, kami pa ata ang kailangan bantayan. Nag-enjoy ako mag-slide at monkey bars. Grabe, isip bata ko talaga. -.- pero ayos lang, okay nga e. :D hahaha!

Ngayon lang ulit nakapag-open. :D

Okay, ang daming ng nangyari sa summer ko. Including so many "firsts" sa guy na ito. -.- which I actually regret, but just a little. hahaha! Anyway, he taught me things I never knew I didn't knew. Hahaha, hindi ko na-gets sinabi ko. To cut the story short, I gave up everything that's happening between us just because of my crush who doesn't eve like me. Baliw noh? I just couldn't help it. He's just everything I ever wanted. So sabi ko, kung hindi rin lang naman siya ang magmamahal sa akin hindi na lang rin ako magmamahal. Drama much? Pero ganon talaga ang naramdaman ko e. Hay, moved on already. :P

Tuesday, March 1, 2011

1st Day of March. :">

SAYA! :D almost whole day free time. Kaya kami ni Nicole naglaro ng pingpong during free time. :)) super GG talaga. nakalaro ko kasi si JAYSON. aweeee! :D tapos nung PE naman naglaro kami volleyball. after 10 years! nakapaglaro din kami during PE time. whew! at nakalaro pa namin sila Jhestyn...... whew! =)) tas nag mangga trip din pala kami. XD grabe ang sungit ni sister, ayaw kami pahiramin ng kutsilyo o peeler man lang! haha, kaya ginawa ni Paul dun na siya nagpabalat nung mga mangga sa isang cook dun sa canteen. XD tas binigyan na lang namin 2. XD hahahahahah! K, ako na masaya ngaun! XD

Thursday, February 24, 2011

MAHALAGA ANG BAWAT PISO.

WAGI! :)) PISO KO PARANG ISANG DAAN NA! HAHAHA! gumawa na naman ng kalokohan. Whew, batas na kung batas pero ganun talaga. Pasaway talaga e. :P Pero may pagsisisi rin naman kahit *busog*.. sabi ko ba busog? oo tama, BUSOG sa kalokohan. :)) LOLZ! ang sama ko grabe. hahaha. di na mauulit. :)) *sana*