Sawa na akong makisama sa mga taong makikitid ang utak. Ang inang yan. Pwede ba, may sarili kaming mga problema kaya wag na kayong pabigat. Tuta. Lagi na lang kayong kailangan alalahanin na baka ganto ganyan ang sabihin/isipin niyo. Hindi ba pwedeng pati kami iniisip niyo? Hindi 'yong puro kaligayahan niyo inaatupag niyo. Paano kayong liligaya, puro inggit yang nasa puso niyo? Subukan niyo kayang tanggalin yan.
Hindi ikaw 'yong tipong iginagalang kasi karapatdapat, ikaw 'yong tipong iginagalang para walang masabing pangit. Bawat galaw na lang may sarili kang interpretasyon e. Wala ng freedom. Bawat kilos, bawat salita pakiramdam mo lamang na lamang 'yong kabila. Well, sorry. Tama ka. Mas gusto namin sa kabila. Impyerno sa bawat minutong nasa puder mo kami. Minsan nga iniisip ko kung bakit sa pamilya mo pa ako napabilang e, minsan iniisip ko na sana iba na lang pinakasalan ng ina ko nang hindi kami nakakaranas ng gantong buhay. Bwiset. Ramdam ko na 'yong pressure na parating ka na naman, hindi ka na lang muna sana umuwi. Pinalagpas mo muna sana ang May. Fck.
No comments:
Post a Comment