Naranasan mo na bang magmahal nang sobra at masaktan sa huli? Ako oo. Matagal ko nang naranasan 'yon ngunit parang hanggang ngayon ay dinadala-dala ko pa rin. In fact, this morning I woke up feeling unloved. Pakiramdam ko e, ako lang mag-isa sa mundo. Pero kung iisipin, marami rami na rin ata ang mga pagkakataong dumating upang umibig ulit. Hindi lang ako nag-gigive in. Hindi ko maintindihan kung ako ba'y hindi pa nakaka-move on, natatakot masaktan ulit o sadyang hindi lang ready magmahal ng iba. Nagkaroon ako ng mga crush, pero hindi dumating sa punto na minahal ko na sila. Except for one, medyo napamahal ako sa kanya. Kaso hindi nagtagal nagsawa rin ako sa kanya. May time kasi na naging "sweet" siya sakin, at ako namang si tanga kilig na kilig kahit alam nang playboy yun. Hanggang sa dumating ang punto na nagsawa ako... (Parang bubblegum, enjoy ka sa simula kasi matamis. Pero sa kakanguya mo nawawala 'yong lasa hanggang sa iluluwa mo na. Ganon ako madalas, madaling magsawa.) Di kaya naramdaman ng puso ko na mawawala rin kasweetan niya kaya inunahan na? Hahaha! Whatever the reason may be, masaya ako na kahit saglit ay napasaya niya ako. :)
Bago pala siya maging sweet sakin, meron akong ka-fling. Siya 'yong tinutukoy ko na madami akong "firsts" na nagawa kasama siya. Hahaha. malay ko ba na mahuhulog pala siya. Noong una kasi parang ayaw, pakipot lang pala. Joke! Pero noong una talaga ayaw niya talaga. Hanggang sa dumating 'yong time na nag "I love you" na siya sa akin. All of a sudden, parang ayaw ko na magkaroon ng communication sa kanya. Pero may time na nag I love you too rin naman ako. Kaso hindi galing sa puso. Sira ulo noh? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya bigla ko siya iiwasan, iiwanan sa ere. Kaya hindi ko rin masisisi kung magagalit siya sa akin, kasalanan ko rin naman e. At kasalanan din ni crush! Kung hindi siya naging sweet sakin hindi ako maguguluhan sa nararamdaman ko! Joke ulit. Hehehe.
Anyway, sana matuto na ulit magmahal ng tunay puso kong laging nangangamba. Pagkatapos kasi masugatan naging mapaglaro e. Takot ata masugatan kaya siya na ang nananakit. Hehehe.
No comments:
Post a Comment