May 8 - umuwi kami dito sa LP galing sa Tagaytay. Sobrang traffic, baha sa ibang lugar dahil sa bagyo. mga 8pm na yata kami nakauwi. Brownout pa pag-uwi namin! 1 hour after tsaka lang nagkaroon ng kuryente. Tumila na rin ang ulan. Tapos, unexpectedly dumating yung ibang mga pinsan ko na kasama namin sa Tagaytay nang 10pm. Super traffic kasi sa Alabang, e sa Makati pa sila kaya dito na muna sa LP papalipas ng gabi. So in short, nagkasama sama ulit kaming magpipinsan. Doon kami sa kabilang bahay magsstay. Nanood kami ng Angus, Thongs and Perfect Snogging. Mag-2am na noong natapos yung palabas. Nag-psp muna ako habang kwentuhan kami ng pinsan ko. Hanggang sa pinatay ko na.
TAPOS AYUN NA. ilang minutes na lang 3AM na. Niloloko namin ni Ron 'yong kapatid at pinsan ko na pagpatak ng 3:00 AM sasapian sila. Tawanan kami nang tawanan hanggang sa nag 3:00 na nga tapos sabi nila na kami na daw 'yong sinapian kasi tawa kami nang tawa. Tas tinulugan na nila kami. Hanggang sa may narinig ako. Nung una hindi ko pinapansin pero nagpaulit-ulit. Tinanong ko si Ron kung naririnig niya, oo daw. Tas maya maya, ibang tunog naman ang narinig namin. Tunog na parang hinihila 'yong mga plastic chairs sa dining table. Unti unti na akong natakot, pinagising ko na si Kuya Mike. Kaso hindi niya kami pinansin Tinulugan lang niya. Tapos paulit ulit pa rin 'yong mga ingay, may ilang beses na biglang lumakas. Mag 4am na yata noong nawala 'yong mga ingay. Tsaka lang ako nakatulog. Kinabukasan pinag-usapan namin 'yon. At sabi ni Kuya Mike na nagtulug-tulugan lang siya para hindi namin siya kausapin. Pero alam niya 'yong nangyari. At may naikwento pa siya na dati raw may kumakatok sa kwarto at pilit binubuksan ang pinto. Hay, ano kayang meron sa bahay nila?
No comments:
Post a Comment