Tuesday, May 24, 2011

Aking Kaarawan.

Kahapon ang birthday ko. Grabe, super boring nung umaga. As in walang plans para sa araw na 'yon. Tapos umalis pa silang lahat. Kaming tatlong magkakapatid lang ang naiwan sa bahay kasama ang kasambahay namin. Naiiyak na nga ako kasi birthday na birthday ko tapos hindi ko man lang ma-enjoy. Hahahaha! Pero ang saya kasi binati ako ng mga crush ko! :"> Tapos ayun, wala talaga akong magawa kaya sabi ko sa nanay ko nung tumawag siya na mag-iimbita ako ng ilang mga kaibigan. Una kong sinabihan na pumunta ay si Ashley. Akala ko nga hindi pa siya makakapunta e. Whew! Tapos tinext ko na rin si Nic at si Jo. Buti na lang talaga wala silang mga lakad. Mga 4pm na yata sila nakarating.


Yinaya ko sila mag-cards. 1, 2, 3 Pass.


Tapos after ilang rounds, kumain muna kami. Then, back to business. Pero hindi kami agad naglaro. Dumating naman mga pinsan ko kaya lumipat muna kami ng upuan. Umupo kami sa sala. Si Ash naglaro muna ng Tap Tap Revenge. Tapos si Jo nag-PSP. Kumuha ako ng table at saka lang kami naglaro ulit. Luck 9  naman. Tapos kumain muna ng ice cream. Tapos umalis na 'yong mga pinsan ko maya maya. Bumalik ulit kami sa marble table. 1, 2, 3, Pass ulit linaro. Pahid ng powder ang parusa sa talo.




Tapos nag Heart Attack naman. Whew! Sumisigaw sila pag babaan na ng kamay. Haha! Hindi ko maintindihan kung nagugulat o na-tetense lang e!  Kakatawa. Lito si Ashley sa "Jack, Queen, King." Ang lagi niyang nasasabi "Jack, King, Queen" kaya pati kami nalilito sa unahan magtap ng kamay sa table. Tapos pagkakain namin ulit, kasali na sa amin kapatid ko pati pinsan ko. Labanan ng mga talunan. XD Nakakatawa sila.


Lumipas ang oras, ang 7:30 na uwi dapat ni Ashley naging 11pm. haha! Buti na lang pinahatid na lang sila.Gabi na rin kasi e.


Picture muna bago umalis! :D


Pero hindi pa natapos ang picture picture doon. Kasi sa sasakyan nagpakyut muna kami at kung anu-ano pa. :D



No comments:

Post a Comment